Gaano kalaki ang Buwan? MM#1 | Kurzgesagt

🎁Amazon Prime 📖Kindle Unlimited 🎧Audible Plus 🎵Amazon Music Unlimited 🌿iHerb 💰Binance

Video

Transkripsyong

Gaano kalaki ang ating buwan?

Sa gabi, mukhang napakaliit ng Buwan, pero sa totoong buhay, hindi.

Madaling maiakma ang laki nito sa lawak ng Gitnang Europa.

Talagang napakalaki ang surface area ng ating buwan.

Upang malinawagan kayo, ang laki nito ay katulad ng pinagsamang lawak ng buong kontinente ng Europa, Tsina, Estados Unidos, Brazil, at ng Timog Aprika.

Ang bigat nito ay nasa 1/81 ng bugat (mass) ng Daigdig.

pero gaano nga ba kalaki ito kung iuugnay sa ating daigdig?

Sa tototo lang, masyadong malaki ito. Ang ating buwan ang pinakmalaking satellite sa buong solar system kung iugnay man sa kanyang liniligirang planeta,

at ika-lima ito sa pinakmamalking buwan sa Sistemang Solar. Masyado itong malaki kaysa dwarf planet, ang Pluto.

Ngayon, kung ganoon talaga kalaki ang ating buwan, gaano naman ito kalayo sa atin kung gayon namang maliit to kung tatanawin sa kalangitan sa gabi?

Siguro, 370 kilometro, tulad ng layo sa atin ng ISS? Diyan ka nagkakamali. Sa ganoong kalayo, magigiba ng gravitational forces ng daigdig ang ating buwan.

At kung malayo ito ng 36000 kilometro, magiging malayo ito tulad ng pinakamalayo nating satellite sa ating system.

Ayusin natin ang layong ito sa realidad. Masyadong malayo, tama?

Kung magkagayon, kailangan maglakbay ang isang 717 na eroplano ng 28 araw nang dire-diretso papunta sa buwan, at kahit gamitin man natin ang kasalukuyan nating teknolohiya, mangangailangan parin ito ng dalawang buong araw.

Siyempre, mas matagal makakarating kung kotse naman ang gagamitin. Kaya gaano kalaki ang buwan?

Well, depende ito sa kung ano ang pagpapakahulugan mo sa “malaki”, pero seryoso, talagang malaki ito.

Uy Youtube, maglalabas kami ng bago , sa Mo(o)n May. Tigisa-isa lang tungkol sa mga ‘moon stuf’ bawat Lunes ng Mayo.

So, magkita tayo sa susunod na linggo.

(Subtitles by RL Caliwan)