Sino ang nag-imbento ng Internet? At bakit? | Kurzgesagt

🎁Amazon Prime 📖Kindle Unlimited 🎧Audible Plus 🎵Amazon Music Unlimited 🌿iHerb 💰Binance

Video

Transkripsyong

Minsan ba ay nagtaka ka kung sino talaga ang nag-imbento ng internet?

Ilang tao na ang naging “zillionaires” dahil sa internet.

Ngunit ang ginawa lang nila ay gumawa ng malikhaing paraan sa paggamit nito.

Kaya dapat lang na isang “gazillionaire” na ang nakaimbento ng internet

katumbas ng, sabihin natin, ang Bathala, ‘di ba?

Sino ang dapat tumanggap ng papuri?

Ito ba ay isang British geek sa isang laboratoryo sa ilalim ng lupa sa Switzerland?

Siguro.

Ang mga malikhaing Amerikano na may nuclear na kakayahan ng mga Ruso?

Magandang ideya.

Mga siyentipikong Pranses ba na nagdesisyon na tawagin ang computer network na “Le Internet”?

Kawili-wili.

O ay ito ba salamat sa isang napakaraming bilang ng matatalinong siyentipiko nagtatrabaho sa isang bagay

na alam nila ay kapaki-pakinabang, ngunit hindi mapagtanto ay magiging malaki?

Kaya naman, subukin natin na alamin ang katotohanan.

Andiyan ang internet, isang malaking kalipunan ng computer networks na konektado sa isa’t isa.

At andiyan rin ang World Wide Web, ang paraan para madaling ibahagi ang

impormasyon gamit ang lahat ng mga interconnected na computer.

Ang internet sa alam natin ngayon ay hindi bababa sa 40 taon sa paggawa.

Isang popular ngunit maling kuwento ay na ang internet ay binuo ng Estados Unidos

kaya sila ay nagkaroon ng isang network na pang-komunikasyon na makaliligtas isang nuclear na digmaan.

Ayon sa isa sa mga nagtayo ng unang network, ang ARPANET, noong 1960,

itong unang eksperimento sa network ay hindi tungkol komunikasyon;

ito ay patungkol sa pag-optimize ng paggamit ng processor, o pagbabahagi ng oras,

na ang ibig-sabihin ay ang mga siyentipiko ay maaari ring magbahagi ng kapangyarihan ng computer.

Iyon ay dahil sa hanggang 1960 ay wala talagang network - mayroon lang malalaking makinarya na

tinatawag na mainframes na matatagpuan sa silid at naproseso ng gawaing pagkakalkula

paisa-isa.

Sa oras-sharing, itong malalaking makinarya ay maaring magproseso ng ilang mga gawain sa isang pagkakataon,

na nangangahulugang na ang kanilang kapangyarihan ay maaaring gamitin sa ng ilang mga siyentipiko na sabay-sabay.

At, malinaw naman, simulang maikonekta ang mga computer,

simulan mo na magtaka sa kung ano ang kailangan mong gawin

upang gumawa ng mga komunikasyon pagitan ng mga ito na mas madali.

Ang mga siyentipiko sa buong mundo ay sinusubukang malutas ang problemang ito.

Kaya tingnan natin ang ilang mga iba pang mga pangunahing konseptong na binuo sa ibang dako.

Simulan natin sa packet switching.

Sa Britanya, nagkaroon ng isang komersyal na network, na binuo ng

National Physical Laboratory, ngunit kung saan hindi kailanman talaga lumabas

dahil hindi ito nakakuha ng pondo.

Ngunit sila ang gumawa sa ideya ng packet switching, isang paraan ng pag-iwas

sa kasikipan ng abala ng mga network sa pamamagitan ng pagputol ng data sa isang dulo at

pagsasamahin sa kabilang dulo.

Ang Pranses din ay may papel dito.

Sila ay nagtatrabaho sa isang pang-agham na network na tinatawag na CYCLADES,

ngunit hindi sila nagkaroon ng malaking budget, kaya sila ay nagpasya na magtrabaho sa mga direktang koneksyon

sa pagitan ng mga computer, na taliwas sa nagtatrabaho sa mga gateway computer.

Ngayon, bukod dito, ito ay hindi masyadong pang-agham,

ngunit ayon sa isang teorya, nanggaling sa kanilang mga pananaliksik ay ang salitang “internet”.

Ngunit hindi mo na kailangang maniwala dito kung hindi mo naman gusto.

Kaya, ngayon naman sa unang bahagi ng 1970s.

Maraming imprastrakturang pang-computer, pero ang komunikasyon

ay mahirap at tagpi-tagpi, dahil ang iba’t ibang networks ay hindi makapag-usap sa isa’t isa.

Sinolusyunan ng TCP/IP ang problemang ito.

Ang TCP / IP protocols ay bumubuo sa pangunahing wikang pangkomunikasyon ng internet,

na tinatatakan ang packets ng data at sinisiguradong

kahit na ilang mga piraso ng parehong data na kumuha ng ibang ruta,

lahat sila darating sa kanilang patutunguhan at maaaring ibuo.

Ang mga networks ay nagsimulang mag-usap sa isa’t isa noong 1975,

kaya maaari mong sabihin na ito ay ang umpisa ng internet.

Mahalaga rin ang Email.

Ito ay binuo para ARPANET noong 1972.

Karamihan sa trapik sa internet noong 1976 ay ang email, dahil iniisip ng sa akademya

na ang notang elektronik ay epektibo.

Sa mga network na kayang makipag-usap sa isa’t isa, ang komunikasyon ay nagiging mas madali.

Ngunit ang lahat ng komunikasyon na ito ay base lamang sa teksto, at ito ay medyo hindi kaaya-aya tignan.

Noong 1980s naman, ang isang Brit na si Timothy Berners-Lee

ay gumugol ng oras sa CERN, ang Europeyong Organisasyon para sa Pananaliksik na Nuclear,

kung saan ang mga pisisista ay sinusubukang alamin kung saan gawa ang sansinukob.

Ninais niya na ayusin ang impormasyon ng mga siyentipiko at gawing posible

ang pagbabahagi at ang madaling pag-i-interkonekta ng kanilang mga saliksik

upang marahil ay maging mas mabilis ang progeso.

Ginawa niya iyon sa paggawa ng interface gamit ang HTTP, HTML, at ang mga URL

na ginawang posible ang mga internet browser.

Tinawag niya ang browser na ito na ang World Wide Web.

Hindi niya inimbento ang internet, pero ginawa niya ang Web.

Ang kauna-unahang website na kanyang ginawa ay para sa CERN sa Pransiya noong Agosto ng taong 1991.

Kaya, sa sandaling ang unang infrastructure ay nasa lugar na,

ang mahalagang teknolohiya nito ay inimbento na,

ang message boards sa internet ay naging patok noong 1980s,

ang kumpanyang pantelepono ay nakita ang komersyal na potensyal ng digital communication,

naging patok ang web browsers noong simula ng 1990s,

at ordinaryong tao ay natuklasan ang email,

pagkatapos ay ang internet nang matatag at mabilis,

at ito ay napakinabangan ng masa mula noong 1995.

Pero, hindi ba ang bise presidente ng Estados Unidos na si Al Gore ang nag-imbento ng internet?

Ah… hindi.

At kung binasa mo ang mga sinabi niya, malalaman mo na hindi niya inangkin ito.

Ngunit maraming mga tao ang pinarangalan sa kanya kasama ng masigasig ng pagpasa ng batas

na hinihikayat ang pagkalat ng internet.

Ang internet ay namamalagi dahil kailangan natin ito upang makipag-usap,

at karamihan sa atin gusto ang paggawa nito.

Iyan ay kung bakit ang mga tao ay naging ang nangingibabaw na klase sa mundo.

Maaari mong magtaltalan na ang internet ay isang natural at rebolusyonaryong hakbang

at isang paghahayag ng ganitong pangangailangan.

Ito ay hindi imbento ng sinuman sa partikular,

ngunit kapag ang mga mahahalagang sangkap ay pinagsama-sama ng lahat ng mga astig na siyentipiko

mula sa lahat ng dako, ang internet ay naging isang kasangkapan sa komunikasyon,

instrumento ng pagtitingi, pananaliksik, propaganda, pag-e-espiya,

pamimili, pagde-date, at libangan,

at isang paraan ng pagtakas sa trabaho kahit na mukha ka talagang nagtatrabaho o nag-aaral,

na maaaring ginagawa mo ngayon.

Sa huli, bagaman, ikaw ay nakikipag-usap, lalo na kung mag-iiwan ka ng komento,

dahil roon, mas magiging magaling ka na tao.