Anong mangyayari sa Mariana Trench kung binomba ito ng Nuclear Bomb? | Kurzgesagt

🎁Amazon Prime 📖Kindle Unlimited 🎧Audible Plus 🎵Amazon Music Unlimited 🌿iHerb 💰Binance

Video

Transkripsyong

Anong mangyayari kapag pinasabog natin ang pinakamalakas na nuclear na armas sa pinakailalim na punto ng karagatan?

Ang tsunami na isang daang metro ang taas ay makakasira ng mga bayan sa dalampasigan

Ang mga lindol ay magtataas sa mga bansa.

Ang mga bagong bulkan ay magdudulot ng isang Nuclear na taglamig

O maari ring masira ang buong daigdig?

O kaya lumihis sa daangtala nito?

Siguro.

Sa ngayon, ang pinakamalalim na punto ng daigdig ay ang kanal ng Mariana.

Ang Kanal ng Mariana ay isang napakalalim na lambak

na nasa gitna ng dalawang tectonic plates

At mukhang isang nakabaligtad na bundok.

Umaabot ito sa lalim na halos 11 kilometro,

halos tatlong beses na mas malalim kaysa sa madilim na libingan ng barko na Titanic.

Ito ang isa sa mga lugar na hindi pa nagagalugad ng mga tao.

Sukdulan sa itim at nasa ilalim ng isang libong atmospheric pressure.

ito’y isang lugar na ang buhay ay sagana, dahil walang tao rito

Isang magandang lugar para sa ating nuclear test.

Gagamitin natin ang pinakamalakas na nuklear na bomba na napasabog ng tao,

ang RDS-220 bombang hydrogen o Tsar Bomb.

Ang pagsabog nito ay sobrang laki na ang shockwave nito ay umikot sa mundo ng halos tatlong beses,

at ang mushroom cloud nito ay umabot ng 56 kilometro papuntang langit.

Sa lakas ng shockwave nito ay kaya nitong sirain lahat ng madaanan nito sa loob ng isang libong square kilometer,

Ang apoy nito ay kayang sumunog ng bato.

Ang ganitong mga bomba ay naglalabas ng napakalaking dami ng enerhiya agad, na kaya nitong mapakulo at tuyuin ang isang buong lawa.

At kung magpapasabog tayo ng isang bombang nuklear sa Kanal ng Mariana, ganun rin ang mangyayari

Gawin natin ito.

Sa unang mga microseconds, sumasailalim ang nuclear fuel sa chain reaction nito

at sumasabog sa lakas ng 50 megatons ng TNT.

Isang nakakabulag na liwanag ang liliwanag sa dilim ng kanal ng pinakaunang beses sa kasaysayan.

Ang init ng pagsabog ay maglalabas ng isang cavity, isang umaapoy na bula ng singaw,

radioactive nulei, at mga labi ng mga sobrang malas na isda.

Ang bula ay mabilis na lumalaki habang ginagawang usok ang tubig na nasa paligid nito.

Ang presyon ng bula ay napakalakas, dumederetso palabas na parang walang nasa daan nito.

Magpapalabas ng shockwave na mararamdaman ng mga seismic stations at mga balyena sa buong mundo.

Tapos, kung gaano ito kabilis na lumabas, hihinto ito.

Sa balat ng mundo, ang fireball na bulang ito ay lalaki ng sampung kilometro pagkatapos nitong pasabugin,

at ang atmosphere ay hindi makalaban para mapabalik ito.

Ngunit ang presyon sa ilalim ng Kanal ng Mariana ay higante.

Kapag ikaw ay nasa Kanal ng Mariana,

parang ikaw ay dinudurog ng isang hydraulic press sa lahat ng direksyon dahil sa 11 kilometrong tubig na nasa taas.

Dito, isang segundo pagkatapos ng pagpapasabog, ang bula natin ay nasa isang kilometro na ang haba, nang kakatwa, nagsisimula itong lumiit.

Ino-overextend ng bula ang sarili niya, nawawalan ng presyon habang lumalaki ito, hanggang paliliitin ito muli ng tubig.

Ang tug of war ng nagbabagang bula at tubig ay magpapabalik-balik ng ilang beses,

at lalaki-liliit ang bula, hanggang matalo ang bula.

Ang presyon sa paligid nito ay napakalakas, na ang tubig ay magsisimulang hati-hatiin ito.

Ito’y magiging tila isang katumbas ng mushroom cloud sa ilalim ng tubig,

habang ito’y magpipira-piraso, at lumulutang paitaas ang mga bulang radioactive.

At ang ating makapangyarihang nakasisirang pagsabog ay lulutang sa surface, at halos walang mangyayari.

Isa lang maliit na alon, at bumbulang hangin ng maligamgam na radioactive na tubig sa Pasipiko.

Walang tsunami na sisira sa Japan o California,

subalit maaring mairita ang mga bangka o balyenang nasa paligid nito.

Ang radioactive na fallout ay lalabnaw sa Pasipiko pagkatapos ng ilang araw,

pero mayroong konting radioactive na tubig at asin na mapupunta sa atmosphere,

na maiipon at magiging

Kahit na maaring maihip ng hangin ang fallout papunta sa Pilipinas,

mangyayari lamang sa karagatan ang mga pinakapangit na resulta nito.

Pero, ang peligro talaga ay manggagaling sa mga lindol at bulkan na mapapasabog ng pagsabog, hindi ba?

Kahit na magpasabog tayo ng bomba sa eksaktong punto na nagkakasalubong, siguro hindi.

Mapapasingaw nito ang seafloor, at gagawing salamin ang sandamakmak na dami ng buhangin,

pero halos lahat ng enerhiya nito ay mapupunta sa tubig, hindi sa mga seismic waves.

Medyo pangkaraniwan na ang mga lindol sa mga tectonic plate boundary.

At nangyayari ilang beses sa isang taon

nagpapalabas ng apocalypse ang ganitong mga lindol na napakaraming enerhiyang sismiko.

Pero siguro maapektuhan nito ang daangtala ng mundo.

Pero dahil walang bigat na nawala o nadagdag sa daigdig, ang orbit natin ay hindi maapektuhan.

At saka, nagkaroon na ng lagpas sa isang libong nuclear test sa huling 70 taon

at hindi naman naiba ang daangtala natin, kaya bakit naman ngayon mababago ngayon?

Ang pinakamalalakas na pwersa ng sangkatauhan na maaring malabas nito, ay kakatwa lamang kumpara sa pwersa ng kalikasan.

Masyadong malaki ang planeta. Wala itong pakialam.

Kaya, anong mangyayari kapag nagpasabog tayo ng armas na nuklear sa kailaliman ng karagatan?

Halos wala.

Pero alam mo bang bawat ibon sa mga bidyo namin ay mayroong may-ari?

Lagpas 1,000 tao ang mayroon ng sarili nilang ibon.

Tinutulungan nito kami na magpaliwanag ng mga bagay-bagay, mga payaso sa background,

o mamamatay sa isang kahindik-hindik at hindi maiiwasang kamatayan.

Kaya kung gusto mo ng sarili mong ibon at gusto mo itong lumabas sa isa sa mga bidyo namin,

maaari mo itong makuha sa patreon.com/kurzgesagt.

Ang Patreon ay isa sa mga paraan na masusustena namin ang aming mga sarili.

Hindi ka lang makakukuha ng napakaayos na avatar, makatutulong ka rin sa paggawa ng mas marami at mas magagadang mga bidyo.

[Umaagak]

[Musika ng outro]