Bakit ang Digmaan sa Droga ay isang Malaking Kabiguan. | Kurzgesagt

🎁Amazon Prime 📖Kindle Unlimited 🎧Audible Plus 🎵Amazon Music Unlimited 🌿iHerb 💰Binance

Video

Transkripsyong

Mahigit 40 taon na ang nakakaraan, ipinahayag ni Pangulong Richard Nixon

ng Estados Unidos na pangunahing suliranin ng madla ang pagmamalabis sa droga;

nagsimula ito ng hindi inaasahang pandaigdigang adhikaan, ang Pakikidigma sa Droga.

Sa kasalukuyan, naririto na ang mga bilang.

Isang malaking kabiguan ang Pakikidigma sa Droga, na mayroong mga nakawawasak at hindi sinasadyang kahihinatnan.

Nagdulot ito ng pagkakabilanggo ng marami sa Estados Unidos;

ng korapsyon, pagrupok ng katatagang pampulitika, at karahasan

sa Latin America, Asia at Africa;

at ng pangmalawakang pagmamalabis ng karapatang pantao sa buong daigdig.

Nakasamâ ito sa mga buhay ng milyon-milyong tao.

Lahat ng ito habang nagsasayang tayo ng bilyon-bilyong dolyar bawat taon

upang bumuo lamang at lalong magtaguyod ng mga makakapangyarihang ‘drug cartel’—

tila lalong humihirap matamo ang layunin ng Pakikidigma sa Droga:

ang isang daigdig na walang droga.

Paano nga ba ito mangyayari?

“Walang mga droga, walang mga suliranin” ang pangunahing estratehiya ng Pakikidigma sa Droga.

Kayá halos lahat ng mga pagsusumakit sa mga nakalipas na pultaon

ay nakatuon sa pagpuksa sa suplay ng mga droga

at pagpiit sa mga mangangalakal nito.

Ngunit kinakaligtaan nito ang mga pinakamahahalagang isiging pampamilihan,

pagpupunò (suplay) at pangangailangan (demand).

Kapag babawasan ang pagpupunò ng alinman nang hindi muna binabawasan ang pangangailangan dito,

tataas ang presyo nito.

Maaari itong magpababa sa pagbibili ng maraming produkto, ngunit hindi sa droga.

Ang pamilihan ng droga ay hindi sensitibo sa presyo.

Magagamit ang droga anuman ang kanilang halaga.

Kayá ang dulot nito ay lalong paghimok sa pangangalaláng ng mas maraming droga at

pagkalap ng mas maraming mangangalakal, na nagpapalawig sa kagamitan nito.

Kilala ito bílang ang ‘balloon effect’: kahit na mawasak pa ang produksyon ng droga o

ang isa sa mga pangunahing daang pangkalakalan nito, hindi mababawasan ang suplay ng mga tumatanggap.

Isang lubos na halimbawa nito ay ang shabu (‘crystal meth’).

Sinubukang pigilan ng pamahalaan ng Estados Unidos ang produksyon nito sa pamamagitan

ng mahigpit na pangangasiwà sa pagbibili ng mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng nasabing droga.

Ito ang pumilit sa mga malalaking manggagawa ng ‘meth’ na magsara,

ngunit ang mga hindi inaasahang kahihinatnan nito ay ang pagsisimula ng libo-libong munting gawaan

sa buong bansa, karamihan ay matatagpuan sa mga bayang maliliit at pangkabukirang pamayanan,

na gumagamit ng mga sangkap na hindi napangasiwaan.

Bílang tugon dito, naging kagustuhan ng ilang estadong bawasan ang suplay ng tubong-bahay na ‘meth’

sa pamamagitan ng higit na pangangasiwà sa mga sangkap,

na siyang lubos na nagpababa sa maliliit na produksyon ng ‘meth’.

Ngunit nananitili ang suplay nito.

Agad na pumalit ang mga Mexicanong ‘drug cartel’ at nagpatakbo ng malalaking negosyo.

Higit na lamang ang kanilang ‘meth’ kaysa rati,

at marami silang karanasan sa pagpupuslit.

Kayá lahat ng pagsusumakit na ito ay lumikha ng mas dalubhasang paggawa ng ‘meth’,

at pinabisa pa ito, habang nanatiling walang kabawas-bawas ang suplay nito.

Hindi natin mapagtatagumpayan ang digmaang ito sa paraan ng suplay.

Hindi lamang pangmalawakan ang paggamit ng droga, na walang patíd ang demand,

at lantay pa ang ilan sa mga drogang ito; nang may talágugulíng humigit-kumulang 30 milyong dolyar,

mas mababa pa sa 1% ang kabilsan sa paglilingkod ng US Drug Enforcement Agency

pagdating sa pagpapahinto ng daloy ng mga droga papasok sa

at sa loob ng Estados Unidos.

Para sa maraming menor de edad sa buong daigdig, kasindali kumuha ng iligal na droga tulad ng sa alkohol.

Ngunit hindi pa ito rito tumitigil.

Maaaring hadlangan ng prohibisyon ang ilang táong gumamit ng droga,

ngunit sa paraang ito, magdudulot ito ng malaking pinsalà sa buong lipunan.

Marami sa mga suliraning isinasangkot natin sa paggamit ng droga

ay talagang sanhi ng pakikidigma laban dito.

Halimbawa, pinalalakas ng prohibisyon ang mga droga.

Mas mabisang droga ang nilalaman sa maliit ng lunan hangga’t maaari,

mas maraming kità ang iyong tutubuin.

Ganito nga ang pagkakatulad noong prohibisyon ng alkohol,

na siyang nagdulot ng mas mataas na pag-inom ng matapang na alak kaysa serbesa.

Nagdulot din ang prohibisyon sa droga ng maraming dahas at pagpatay sa buong daigdig.

Walang daan ang mga ‘gang’ at ‘cartel’ upang mapagkasunduan ang mga tunggali ayon sa

kaayusan ng batas, kayá’t karahasan ang kanilang pinapairal.

Nagsanhi ito ng pinaigting na kalupitan.

Ayon sa iláng pagtataya, ang kabilsan ng pagkapatay sa Estados Unidos

ay mas mataas ng 25–75% dahil sa Pakikidigma sa Droga.

At sa Mexico, ang bansa sa bungad nito,

tinatayang 164,000 ang mga pinatay noong 2007 hanggang 2014,

higit na marami kaysa pinagsamang mga nasa pook ng digmaan sa Afganistán at Iraq

sa parehong pinagsamang kapanahunan.

Ngunit marahil ang pinakamapinsalang dulot sa lipunan ng Pakikidigma sa Droga

ay ang pagkakapiit ng mga hindi marahas na nasangkot sa droga.

Halimbawa, ang Estados Unidos,

isa sa mga punong isig ng Pakikidigma sa Droga,

ay may 5% ng kabuuang pandaigdigang populasyon, ngunit 25% ng pandaigdigang populasyon ng mga bilanggo,

na karaniwa’y dahil sa mga kaparusahan at sentensyang malulupit.

Lalong nagdurusa ang mga nakakaunti rito.

Binubuo ng mga African-American ang 40% ng mga bilanggo sa Estados Unidos.

At habang mas madalas na abusuhin ng mga batang Puti ang droga,

mas malamang na makulong ang mga batang Itim ng makasampu.

O sige, ngunit may iba pa nga ba tayong magagawa rito?

May paraan pa bang maaayos ang suliraning ito?

Noong 1980s, nakaranas ang Suiza

ng madlaing panganib sa kalusugang may kinalaman sa paggamit ng ‘heroin’.

Agaran ang pagtaas ng kabilsan ng HIV at naging suliranin din ang krimen sa lansangan.

Sumubok ang mga Suziong may kapangyarihan ng bagong estratehiya: ‘harm reduction’.

Nagbukas sila ng mga libreng ‘maintenance center’ sa ‘heroin’,

kung saan papakitunguhan at papanatilihin ang mga adik.

Dito, binibigyan ang mga tao ng libre at mataas na uri ng ‘heroin’,

at magkakaroon sila ng mga malilinis na dagom, paggamit ng mga ligtas na silid-turukan,

mga paliguan, kama at gabay-panggagamot.

Tinutulungan sila ng mga manggagawang panlipunan upang makahanap ng tirahan at ayusin ang kani-kanilang sulliranin sa buhay.

Humantong ito sa biglaang pagbagsak sa mga krimeng may kinalaman sa droga

at sa pagkakaroon ng maayos na hanapbuhay ng dalawáng saikatlo ng mga tao mula sa mga ‘maintenance center’,

dahil ngayon nakatuon na sila sa pagpapabuti

sa halip na paggugulan ang kanilang adiksyon.

Ngayon, nakatatanggap ng panggagamot mahigit 70% ng mga nalulong sa ‘heroin’ sa Suiza.

Mabilis ang pagbaba ng hawa ng HIV.

Bumaba ng 50% ang mga pagkamatay mula sa ‘overdose’ ng ‘heroin’.

At higit ang pagbaba ng mga sariing hanapbuhay at krimeng panlansangang may kinalaman sa droga.

Kayá naman mayroong mga pamamaraang hindi lamang lubos na mura,

kundi mabisa rin, sa halip na lumikha pa ng maraming suliranin.

Ang prohibisyon sa droga ay humantong sa isang kaayusang gumigiba sa karapatang pantao;

ito ay nagkakahalaga ng malaking kabuuan ng salapi at lumilikha ng sandamukal na paghihirap sa tao,

na lahat ay bílang paghahangad sa isang layuning hindi kailanman makakamit.

Matapos ang 40 taon ng pakikipaglaban, panahon na upang tapusin sa wakas ang Pakikidigma sa Droga

at magpatuloy sa lalo nating ikabubuti.

Itong ‘video’ na ito ay tinustusan ng Open Society Foundations

at ng mga kaloob ng aming tagatangkilik sa Patreon.

Kung ninanais ninyong higit na matuto kung paano ninyo maaaring maimpluwensiyahan ang patakarang pandroga,

tingnan ang adhikaang Stop the Harm.

Sa wakas, mayroon na kaming ilang báligyain!

Kung ninanais ninyong magmay-ari ng Kurzgesagt ‘poster’, ‘T-shirt’, ‘mug’,

o mga ‘sticker’ ng mga mumunting halimaw,

maaari na kayong kumukha ngayon sa tindahan ng DFTBA!

Mga ‘subtitle’ mula sa pamayanan ng Amara.org