Video
Transkripsyong
Ang Internet ay parang palahian ng mga conspiracy theories.
Ang ilan ay sadyang nakakatawa lamang
at ang iba ay naghahayag ng pagkainutil at kawalan ng tiwala
kaya naman nagtungo kami sa Kurzgesagt lab at gumawa ng isang perpektong sistema
para puksain ang ilan sa mga
consiparcy theoris: Simple lang, tanungin mo lang ang sarili mo
Ang theory ba ay makakaapekto sa mga mayayaman at makapangyarihang tao?
Kung oo, malamang, ito ay hindi totoo
subukan natin ito sa tatlong halimbawa:
Una: Mayroong madaling lunas sa cancer pero ito ay tinatago lamang dahil
ikalulugi ito ng mga kumpanya ng gamot.
Talaga bang gustong mamatay ng mga mayayaman nang dahil sa cancer, kagaya na lamang ng
dating CEO ng Apple? Oo?
Walang itinatagong lunas para sa cancer
Pangalwa: Chemtrails, ang theory na ang mga eroplano ay nagiiwan ng kemikal sa hangin para sa
pagkontrol ng population o ilan pang ‘di makatotohanang dahilan.
Ang mga makapangyarihang tao ba ay humihinga? Kagaya nila Obama o Putin? Oo?
Ang chemtrails ay hindi totoo.
Pangatlo: Mga teorya ng pagkagunaw ng mundo
Ang daigdig ay malapit nang magunaw dahil sa mga Antichrist, Mayas
Aliens, at iba pa. Ang mga mayayaman at makapangyarihang tao ba ay hindi pinapansin ang
halata at nalalapit na paggunaw? Oo?
Ang daigdig ay walng nalalapit na katapusan
Ito ay hindi gumagawa sa bawat isang conspiracy theories
Pero maaari itong gumana sa ilan, lalo na sa mga hindi makatotohanan. Kaya sa susunod na
may manghikayat sa’yo na ang Illuminati ay naglalagay ng kung ano sa tubig, ipakita mo lang ito
at pwede rin namang maging mapili sa mga kaibigan mo sa Facebook. (subs by Nelieza Tubeza)