Ang mga pinakamapangwasak na parasito - mga sakit na napapabayaang tropikal - NTDs. | Kurzgesagt

🎁Amazon Prime 📖Kindle Unlimited 🎧Audible Plus 🎵Amazon Music Unlimited 🌿iHerb 💰Binance

Video

Transkripsyong

Sa taong 1014, tinalo ni emperador Basil II ng Byzantium ang hukbo ng mga Bulgaryan at bumihag ng labinlimang libong bilanggo.

Maaari niyang ipapatay nalamang sila, ngunit mayroon siyang ibang ideya.

Ginusto niyang pahinain ang mga kalaban niya sa susunod na mga dekada.

Kaya inutusan niyang bulagin ang 99 sa bawat 100 na bilanggo.

Ang ika-100 na bilanggo ay hindi binulagan ng isang mata upang siya’y maging gabay sa mga kasamahan niyang bilanggo pabalik,

at mapilitan ang kanilang mga komunidad na alagaan sila sa natitira pa nilang buhay.

Ngayon, ang mga tao ay inaatake ng kasing uyam na liga ng kontrabidang tinatawag na mga NTD.

Isa sa pitong tao sa planetang ito ay nagdurusa mula sa isa o higit pang NTD na mas marami pa sa buong populasyon ng Europa.

Sila’y gumagawa ng hindi mailarawang pinsala, sa paglulumpo ng hindi mabilang na dami ng mga tao,

sila ay sumira ng ilang bilyong dolyares sa kita bawat taon, pinahina ang komunidad at pinabagal ang progreso.

Ano nga ba ang mga halimaw na itong galing sa horror na pelikula, na gustong wasakin ang ating lahi?

Ang mga NTD ay nanggagaling sa isang malawak na hanay ng iba’t ibang parasito kagaya ng mga uod, amiba, baktirya, o mikrobiyo.

Ang mga sintomas na kanilang binubunga ay paiba-iba at tunay na sangkap ng mga panaginip.

Ang mga iba kagaya ng mga hookworm ay nakikilahok para sa nutrisyon ng mga utak at katawan ng mga bata,

hinahadlangan ang paglaki at hinihinaan ang kanilang talino.

iilang NTD naman ay nagiging sanhi ng pagka-bulag, nagiging resulta ng kakila-kilabot na impeksyon sa mata.

Ang ibang parasito naman ay kumukulong ng pasyente sa kama ng ilang buwan, at sumisira ng lamang loob, na mahigpit na nagpapaikli ng haba ng kanilang buhay.

Ang iba pa ay nagbibigay ng pagpapangit na sumisira ng karangalan, isang buhay ng kahihiyan at kawalan ng trabaho.

May iilan din na napakasakit. Sila’y nagbibigay ng tuloy-tuloy na pagkakati o sakit.

Sa katunayan, ating ipapa-kilala sa inyo ang isa sa kanila: Dracun culiasis

Kapag nakainom ka ng tubig na kontaminado nito, wala kang mapapansin na kahit ano sa loob ng taon.

Hangga’t sa isang araw, may makikita kang isang paltos sa iyong binti.

Ang uod ay lalabas sa iyong balat para maglabas ng bagong larba.

Ang tanging paraan para tanggalin ito ay dahan-dahang paghila nito palabas ng iyong binti bawat sentimetro sa kabuuan ng ilang linggo,

dahil ang Dracun culiasis ay kasing haba na ng isang metro.

Lahat tayo’y sumasang-ayon na dapat patayin ito gamit ng apoy.

Kaya tayo’y nag-deklara ng giyara sa kanila, upang puksain ang karamihan sa kanila bago ang 2020, at sinubukan nating paghirapan iyon.

Nang 1985, mayroong 3.5 milyong mga kaso ng Dracun culiasis sa buong mundo.

Nang 2015, mayroong 22 nalang.

Pinatay natin ang 99.999% ng mga maliliit na halimaw na ito.

Ito’y magiging unang parasito na mapupuksa natin ng tuluyan sa parating na panahon.

Kaya kahit hindi siya gumawa ng malaking balita kagaya ng Ebola, talagang magagandang bagay ang nangyari pagdating sa mga NTD.

Lahat ng NTD ay may isang kaparehas:

mas pinipili nilang atakehin ang mga taong naninirahan sa mga hiwalay na komunidad na hindi makakadepensa sa sarili nila.

May mga nayon na 500 kilometro galing sa pinakamalapit na pagamutan, na walang lansangan kahit saan.

Kaya kahit mayroong gamot, paano kapag kailangang tumawid ng odisea para makarating sa mga pasyente?

Ito’y tumawag ng atake gamit ng sapilitang puwersa.

Para puksain na ang mga NTD ng wakas, ang maaaring pinakamalaking medikal na operasyon sa kasaysayan ng tao ay sinimulan, walang kaparis sa sukatan.

Mga organisasyon ng iba’t ibang larangan ay nagtutulungan ngayon para tuluyan nang mawala ang sampu sa mga NTD na ito.

Sa makatuwiran, lahat ng NTD, sa katunayan, ay kayang maiwasan o magamot.

Pero karamihan sa kanila’y nakokontrol lamang galing sa pagbibigay ng gamot sa bawat tao sa lahat ng mapanganib na lugar.

Ibig sabihin milyon-milyong gamot, karaniwan para sa iilang NTD sa kabuuan ng iilang taon sa mga bansang walang imprastraktura.

Hindi ito magagawa ng mga pamahalaan at organisasyon sa sarili lamang nila.

Dito, napakita ng tao kung ano ang kayang gawin ng industriyalisadong produksiyon ng medisina.

Ang industriya ng parmasya ay dumating para magpamigay ng libreng gamot hanggang sa mawala ang sampung sakit na iyon.

Sa 2020, malapit sa $18 bilyong halaga ng gamot ang mapamimigay, ang pinakamalaking donasyon ng gamot sa mundo.

Tinulungan din nila makarating ang mga gamot kung saan ito’y kailangan.

Sa 2015 lamang, ang paggagamot ay umabot ng 850 milyong tao, mas marami pa sa populasyon ng EU at ng US magkasama.

Mga masasamang pangyayari lamang ang ibinabalita.

Hindi binabalita ang daan-daan at milyon-milyong taong lumalaban sa mga mapanganib na sakit galing sa kooperasyon.

Mga kuwentong kagaya nito ay hindi naiku-kwento ng sapat.

Palaging nangyayari ang mga mabubuting bagay, tinatahak ang sangkatauhan patungo sa kinabukasang walang paghihirap.

Kaya kapag ikaw o isa sa mga kaibigan mo ay kumakailangan ng magandang balita, ibahagi mo ang video na ito sa kanila.

Tayo bilang mga tao ay kaya talagang makagawa ng mga mabubuting gawain ng walang ibang motibasyon kundi para makatulong sa isa’t isa.

Mabuting tandaan ito paminsan-minsan.

Itong video ay nagawang posible galing sa gawad na bigay ng Bill & Melinda Gates Foundation, at ang suporta niyo sa Patreon.com

Kung gusto niyo pa tulungan kami gumawa ng mas maraming video, puwede itong magawa dito.

Kapag nadismaya kayo sa kakulangan ng nakaaabalang katotohanan sa video na ito, ito’y isang playlist tungkol sa katapusan ng lahat!