Video
Transkripsyong
Ang mundong ating tinitirhan ay pawang payak, o ordinaryo.
para bang ganito na ang tao nabubuhay at mula noon pa namumuhay.
Pero, hindi.
Hindi kailanman dati na tayong mga tao ay namumuhay sa magarbo at Inhenyeriya sa ating pangangailangan kagaya ngayon.
Binibigay sa ating ang karangyaan para makalimutan ang ating sarili at hindi mangamba sa pangangailangan natin upang manatiling buhay.
Pagkain, matitirhan, seguridad – lahat ng ito, mas o menos, ay hindi pinapahalagahan.
Pero tayo ay ang mga natatangi; ang kabilang na 99.99% sa kasaysayang pantao, Ang buhay ay lubos na naiiba.
at walang sadyang bagay na isang kasaysayan ng tao lamang.
Ang kwento natin ay nagsisimula noong 6 milyong taon nang nakalilipas, noong ang tribo ng homini ay hinati at ang relasyon natin sa mga unggoy ay nagtapos.
2.8 milyong taon na ang nakalilipas, ang lahi ng homo, Ang unang mga tao, ay lumitaw.
Nais nating isipin sa ating mga sarili na tayo lang ang mga tao, pero ito ay malayo sa katotohanan.
Noong tayo, homo sapiens sapiens, ay nabuhay sa mundo 200,000 taong nang nakalilipas, mayroon pang higit kumulang na anim na iba pang uri ng tao na nabubuhay.
Mga uri na naihahanlintulad sa atin ang talino at abilidad; na kung sa iisipin ay nakakabahala, para bang namumuhay kasama ng mga nilalang sa ibang planeta.
Ang iba sa kanila ay nagtagumpay.
Homo erectus, isang halimbawa, ay nabuhay ng 2 milyong taon.
Sampung beses na mas matagal kesa sa sa pangkasalukuyang mga taong nabubuhay ngayon
Ang huli sa iba pang uri ng tao ay naglaho noong 10,000 taong nakalilipas.
Walang nakakaalam kung anong sanhi ng kanilang pagkawala.
Ang pangkasalukuyang tao ay mayroong kaunting porsiyento ng neanderthal at iba pang DNA ng tao, kaya mayroong kaunting paghahalo.
pero tiyak, hindi sapat para magsama ang dalawang uri.
kaya hindi alam kung ang ating mga kauri ay naglaho dahil nawalan sila ng sapat na pagaaring yaman o dahil sa serye ng munting pagpatay.
Ano pa man, tayo lamang ang nanatili.
Balik sa simula ng sangkatauhan
2.8 milyong taon ang nakalilipas, Ang sinaunang tao ay gumamit ng mga kasangkapan, pero hindi masiyadong nakakitaan ng pagunlad sa higit kumulang na 2 milyong taon.
Hanggang sa natuto silang gumawa ng apoy
Ang apoy ay para sa pagluto, na ginawa ang pagkaing mas masustansiya, na tumulong upang malinang ang ating utak.
ito rin ay nagbigay ng liwanag at init. na nagpatagal pa sa mga araw, at taglamig na mas maginhawa.
Pinakaimportante sa lahat, hindi lang nito tinakot ang mga paninila, nagagamit rin to sa pangangaso
Ang inapuyang kahoy o damuhan ay nagbigay ng mga munting hayop, mani at lamang lupa na naihaw
Noong 300,000 taong nakalipas, karamihan sa iba’t ibang uri ng tao ay nanirahan sa maliliit na pagtitipon ng mga mangangasong lipunan
Mayroon silang apoy, kahoy at batong kasangkapan, na nakaplano pang hinaharap, paglibing sa mga patay at sarili nilang mga kultura.
Pero pinaka importante, sila ay naguusap.
Siguro sa mas sinaunang uri ng lenguahe, mas hindi komplicado sa atin.
Kung mayroon tayong makina na nakapagbabalik ng oras, gaano kaya kalayo upang tayo ay makabalik
makakuha ng mga sanggol at palakihin sila ngayon na hindi nawawari na sila ay naiiba pala?
Maraming mga pagtatalo.
Sa atonomiya, ang mga pangkasalukuyang tao ay lumitaw noong 200,000 taong nakalilipas,
pero maaari na 70,000 taon ay ang pinaka sagad na kaya nating maglakbay at maaari pa ring makakuha ng taong may ugaling pangkasalukuyan.
Bago iyon, ang mga sanggol ay maaaring magkulang sa kinakailangang gene mutations
Na importante para bumuo ng utak na may modernong lenguahe at pagiisip na may abstraktong abilidad
sa isang bahagi, humigit kumulang 50,000 taong nakalilipas, mayroong pasabog sa pagbabago.
kasangkapan at mga armas ay naging mas magarbo at ang mga kultura ay naging mas komplikado
dahil sa puntong ito, ang mga tao ay nagkaroon ng utak na mas maunlad.
at mas maunlad na wika para magpahayag ng mabisang kaalaman sa isat isa
at tungo tayo sa huling detalye.
Ito ay nagpahintulot ng mas pakikipagtutulungan, at ito talaga ang nagtatangi sa atin na naiiba sa ano mang uri ng nilalang sa mundo.
hindi ang ating mahinang katawan at mababang klaseng pandama
pero ang abilidad na makipag tulungan sa malaking lupon, di tulad ng, sa halimbawa, mga bubuyog
o mga matatalik, pero munting mga lupon ng lobo.
hanggang sa ang pagiisip natin ay umunlad, tayo ay nakagawa ng mga bagay, na hindi mo maiisip na kayang gawin ng tao sa kasalukuyan.
Una – palawakin ang karunugan kaagad
Pangalawa – panatilihin ang mga natutunan na nalikom sa mga nakaraang henerasyon
Pangatlo – tumahak sa nakaraang kaalaman, upang magkaroon pa ng mas malalim na pag unawa.
Mukha man itong hindi mahalaga, pero hanggang sa ngayon, ang mga impormasyong ito ay napasa magmula sa nakalipas at kasalukuyang henerasyon.
karamihan ay sa henetika, na hindi naman ganoon kabisa.
Gayon pa man, sa sumunod na 40,000 taon, ang buhay ng tao ay nanatiling parehas lamang.
kaunti lamang ang naging pagbabago.
Ang ating mga ninuno ang nagiisang hayop na bukod tangi.
Ang pagtayo ng gusaling tukudlangit na walang kaalaman sa isang bahay ay…. ay mahirap.
Pero habang madali ang ugaling magmayabang sa ating mga ninuno, ito ay kamangmangan.
Ang mga tao 50,000 taong nakalilipas ay dalubhasa sa mga paraan upang manatiling buhay.
Mayroon silang detalyadong mapa sa kanilang pagiisip ng kanilang mga teritoryo,
Ang kanilang mga pandama ay sensitibo sa kanilang kapaligiran,
Alam nila at memoryado ang malaking bahagi ng impormasyon tungkol sa mga halaman at hayop.
Kaya nilang gumawa ng mga komplikadong kasangkapan na kinakailangan ng mabusising pagsasanay at magaling na kakayahan sa makina
Ang kanilang mga katawan ay makukumpara sa ating mga atleta ngayon dahil sa kanilang mga pang araw araw na gawain,
at ang kanilang buhay ay napagyaman ng pakikiisa o pakikipagkapwa sa kanilang mga tribo
Ang pananatiling buhay ng tao ay nangangailangan ng maraming kakayanan na ang pangkaraniwang sukat ng utak ng sinaunang modernong tao
ay maaaring mas malaki kaysa sa ngayon
Bilang isang pangkat mas maalam tayo ngayon, pero kung sa bawat isa ang ating mga ninuno ay mas nakakalamang sa atin
Pero noong 12,000 taong nakalilipas, sa maraming lokasyon, Umunlad ang tao sa agrikultura.
Lahat ay mabilis na nagbago.
Dati, ang pananatiling buhay bilang isang mangangaso o tagapaghanap ng makakain ay nangangailangan ng nakakamanghang pisikal man o mental na abilidad sa lahat ng larangan sa lahat ng tao
sa pagusbong ng edad ng agrikultura, ang bawat indibidwal ay maaari nang umasa sa kakayanan ng iba upang manatiling buhay.
Ito ay dahil sa ang iba sa kanila ay may kakayanang natatangi o dalubhasa.
Marahil sila ay gumamit ng mas mahusay na kasangkapan, marahil ginamit nila ang oras nila upang magpalaganap ng mas mabisang pananim o paghahayupan,
Marahil sila ay nagsimulang magimbento ng mga bagay.
Habang paglaon ang pagsasaka ay nagiging mas mabisa, ang tinatawag nating sibilisasyon ay nagsimula.
Ang agrikultura ay nagbigay satin ng mas maaasahang pagmumulan ng ating makakain
na nagpahintulot sa mga tao na mag imbak ng maraming pagkain sa unang pagkakataon,
na mas madaling gawin sa mga butil o palay kaysa karne.
Ang mga pagkaing nakaimbak ay kailangan ng proteksyon, na nagdulot sa komunidad na manirahan sa mas masikip na espasyo.
Una, Sinaunang istraktura upang magtanggol ang binuo, ang pangangailangan sa organisasyon ay umusbong.
Noong naging mas organisado ang mga tao, mas bumilis naging mabisa ang mga bagay.
Ang mga nayon ay naging lungsod, lungsod naging kaharian, kaharian ay naging imperyo.
Koneksyon sa pagitan ng mga tao ay umusbong na nagdulot ng opportunidad para magsalitan ng kaalaman.
Ang pagunlad ay naging mas mabilis.
Higit kumulang 500 taong nakalilipas ang rebolusyon sa agham ay nagsimula.
Ang Sipnayan, Hipnayan, Dalubtalaan, Haynayan, Kapnayan ay nagbago sa lahat ng akala nating alam na natin.
Ang Rebolusyong Industriyal ay sumunod agad pagkatapos ilapat ang pundasyon ng makabagong mundo.
Habang ang ating pangkabuuang husay ay lumagong mabilis,
mas dumaming tao ay may kakayahan nang ilaan ang kanilang buhay upang mag ambag sa pagunlad ng sangkatauhan
Mga rebulusyon ay laging nangyayari.
Ang pagimbento ng kompyuter, ang ebolusyon nito sa isang intrumentong lahat tayo ay gumagamit sa pang araw araw,
at ang pag usbong ng internet na humulma sa ating mundo
Ang hirap isipin kung gaano kabilis lahat yoon nangyari.
Higit kumulang 125,000 henerasyon na simula noong umusbong ang sinaunang mga tao
Mga 7,500 henerasyon na simula noong ang mga modernong tao ay nakita ang liwanag ng araw
500 henerasyong nakalilipas, ang tinatawag nating sibilisasyon ay nagsimula
20 henerasyong nakalilipas, natuto tayo kung paano mag-agham
At ang internet ay nagagamit na ng maraming tao isang henerasyon ang nakalilipas
Ngayon tayo ay naninirahan sa pinaka mayamang edad na hindi kailanman naranasan ng sangkatauhan.
Hinulma natin itong planeta, sa komposisyon ng kapaligiran hanggang sa malalaking eskalang pagbabago sa mga tanawin
at kasama na rin ang ibang mga hayop na nabubuhay.
Pinapaliwanag natin ang gabi sa mga artipisyal na bituwin at nilagay ang mga tao sa metal na kahon sa alapaap
Ang iba pa ay nakalakad sa ating Buwan
Naglalagay tayo ng mga robot sa ibang mga planeta
masinsinan nating inalam ang kasaysayan ng sansinukob gamit ang mga matang mekanika
Ang ating kaalaman at ang pamamaraan natin sa paglikom at pagtago ng mga impormasyon ay lumago
Ang pangkaraniwang estudyante sa paaralang sekundarya ngayon ay mas maalam sa sansinukob kumpara sa iskolar ng nakaraang siglo.
Ang mga tao ay nangingibabaw sa planetang ito, maski na ang ating mga batas ay marupok
Hindi pa rin tayo ganoong naiiba sa ating mga ninuno 70,000 taong nakalilipas
Ngunit ang iyong pamumuhay ay umiral lang ng hindi lalagpas sa 0.001% ng kasaysayan ng tao
Mula dito, hindi masasabi kung anong kinabukasan ang naghihintay sa atin
Tayo ay bumubuo gusaling tukudlangit, ngunit hindi sigurado kung ito ay tumatayo ba sa matibay na pundasyon
o kung tinatayo natin ito sa kumunoy
hayaan na muna natin sa ngayon
Sa susunod na hindi mo maabutan ang pagsakay ng tren, o may taong sumingit sa pila.
Lagi mong tandaan kung gaano ka espesyal itong mundong binuo para sa tao
Siguro walang saysay ang pagmukmok tungkol sa mga bagay na iyon.
OK, ito ang una naming pagtahak sa pag gawa ng video kaugnay sa kasaysayan
Nagagalak kami na gumawa pa ng marami, ngunit mas pinaglalaanan nito ang oras namin kaysa sa karaniwang bidyo
kaya maaaring gumawa kami ng 3 o 4 kada taon
Ang inyong tugon ay malugod na inaanyayahan
Salamat ng marami sa panunuod, at kung gusto niyo kaming suportahan ng direkta
maaari niyong gawin sa Patreon
Nakakatulong talaga sa amin.
Habang ito’y iyong pinagiisipan, ito pa ang mga ibang bidyo, kung kailangan mo ng libangan.