Maaari mo bang pagkatiwalaan ang mga video ng Kurzgesagt? | Kurzgesagt

🎁Amazon Prime 📖Kindle Unlimited 🎧Audible Plus 🎵Amazon Music Unlimited 🌿iHerb 💰Binance

Video

Transkripsyong

Mapagkakatiwalaan ba ang mga video ng Kurzgesagt?

Para masagot ito, ipaliliwanag muna namin kung paano kami nagsasaliksik

matapos ay magsasalita patungkol sa aming mga nakaraang mga video,

at kung ano ang nais naming makamit sa channel na ito.

Ang paggawa ng isang Kurzgesagt video ay laging nagsisimula sa isang tanong o isang isyu.

Halimbawa, ang ang video tungkol sa karne,

maraming manonood ang nagtanong patungkol sa epekto ng karne sa tao.

Hindi namin alam, at gusto rin naming malaman,

kaya naman nagdesisyon kaming trabahuin ito.

Ang unang hakbang ay pananaliksik.

Nagsisimula kami sa pagkalap ng mga libro at mga lathalaing siyentipiko para makakuha ng pangkalahatang ideya,

at magbasa lamang nang magbasa.

Ang plano ay makahanap isang kwentong ka-kwento-kwento.

Mayroon bang maaaring bagong matutunan?

Mayroon bang mas malawak na konteksto o bagong pananaw,

o it ba’y magiging pangkalahatang ideya o panimula?

Matapos magawa ang unang nababasang bersyon,

dumudulog kami sa mga eksperto at siyentipiko,

at ipinapa-fact check at ipinapatama ang aming gawa.

Madalas, sila’y nakakahanap ng mali

o kaya’y inilalapit kami sa landas ng sumasalungat na pananaliksik.

Ang puntong ito ay ang huling hantungan ng maraming script.

Kung hindi naman, ipinagpapatuloy namin ito.

Tumatagal ng linggo o kaya’y buwan ang prosesong ito.

Halimbawa, tumagal ng isa’t-kalahating taon para matapos ang script para sa aming “Loneliness” na video.

Ang pinakamahirap ay ang pagpapaiksi ng script nang hindi sumosobra sa pagpapa-simple nito.

Mas madaling gumawa ng mahabang script kaysa isang maikli.

Kapag kami ay natapos na,

kami ay nananaliksik muli at ipinapakita ulit ang script sa mga dalubhasa,

kadalasan iba sa mga nakaraan na naming nakausap

sa simula ng proseso.

Kapag nagpapahiwatig ng opinyon ay inilalagay namin na aming opinyon lamang ito.

Hindi nito sinasabing hindi kami gumagawa ng konklusyon mula sa aming pananaliksik.

Hindi gumagana ang homeopathy, at tunay na masama ang karne para sa mundo.

Totoo ang climate change, ngunit hindi ang pagtangkilik sa organic na pagkain ang solusyon.

Kung ang mga datos ay nagpapatunay sa isang konklusyon ay maaari itong ipakita bilang katotohanan.

Siyempre, hindi namin kaya na pasiyahin ang lahat.

May mga taong mas nakaaalam na minsan ay nababahala

kung may hindi kami nababanggit na mga aspektong sa tingin nila ay mahalaga,

o kung kami ay magtanggal ng mga teknikal na mga salita.

Hindi ito maiiwasan, marahil dahil sa uri ng aming mga video.

Ang mga script ay may 1,300 na salita kadalasan,

kaya laging magkakaroon ng pagpapasimple nito.

Lagi mong mahahanap ang aming nasaliksik, ang listahan ng aming pinagkukunan

at higit pang mga lathalain at babasahin sa video description.

Hindi batayan ng pagiging tama ng pananaliksik ang paglalagay ng sources o pinagkukunan,

kaya namay ay hinihikayat namin kayong gamitin ang aming sources bilang panimula

para gawin ang sariling pananaliksik upang higit pang matuto.

Pero, kasinungalingan kung sasabihin namin na ganito ang pamantayan ng aming paggawa mula sa umpisa.

May mga luma kaming video na hindi sumusunod sa mga pamantayang inilatag namin sa aming mga sarili ngayon.

Dalawa sa pinakanakayayamot sa amin ay ang “Refugee” at “Addiction” na mga video.

Sa mga video na ito ay hindi namin sinubok na magpahayag ng balanseng pananaw,

at piniling magpahayag ng sariling opinyon.

Ginawa ang “Refugee” video nang may dalang mabigat na galit at kabiguan sa mundo

sa kasagsagan ng krisis sa mga nagsisilikas noong 2015.

Habang kami ay nakikipagtalo tungkol sa quota, mga patay na bata ang naanod sa aming mga baybayin.

Isinulat ang script nito sa isang Linggo nang hapon,

inilarawan at in-animate sa loob ng isang linggo.

Nakapapagod, nakaka-stress, at nakabibigo ito.

Naniniwala pa rin kami na tama ang desisyon ng mga bansa sa Europe na tumulong,

ngunit hindi nakatutulong ang pagiging toxic.

Kami ay nang-insulto ng tao, at isinantabi ang kanilang mga inaaalala tungkol sa mga tunay at malalim na problema.

Ang video na ito ay divisive at emosyonal,

sa panahong kinailangan ng debate ang isang mahinahon at malinaw na pananaw.

Ang “Addiction” video ay ibinase lamang sa isang lathalain

na nakatanggap ng maraming kritisismo sa mga nakaraang taon.

At, sa kasamaang palad ay hindi kami sumangguni sa mga siyentipiko,

o kaya’y patuloy na nagsaliksik patunkol sa mga lalthalaing pinagbatayan sa sanaysay ng video–

na ang addiction ay pawang sikolohikal at base lamang sa mga karanasan ng isang tao sa kanyang buhay.

Hawak pa rin ng ilang dalubhasa ang pananaw na ito,

at hindi namin sinasabing mali ito,

pero marami ang hindi sumasang-ayon dito

at hindi taming ihayag ito bilang katotohanan.

Malayo pa sa pagkalutas ang problema ng addiction ay dapat ipinakita ito,

imbis na pumanig sa isang pananaw.

Sumobra ang pagpapasimple sa konsepto

na bumuo ito ng isang magandang kwento, subalit ay baluktot.

Ang dalawang video na ito ay ginawa sa loob nang dalawang buwan,

at marahil ay dalawa sa aming pinakamatagumpay na video hanggang ngayon.

Kami’y nakahanap ng pormula na tunay na gumagana.

Ngunit hindi na kami gumawa ng video na kahalintulad ng mga itp,

at matagal nang pinagdidiskusyunan ang dapat na gawin sa mga ito.

Hindi nakatutulong na popular sa mga tao ang mga video na ito.

Hangad naming maipagmalaki ang aming likha,

at aming ikinahihiya ang dalawang video na ito.

Kaya naman ngayon ay inaalis namin ang mga ito.

Hindi nito kabuuang maaalis ang video mula sa Internet,

ngunit hindi naman ito ang hangarin.

Maaari niyong i-upload ang mga ito kung saan man.

Gumagawa kami ng panibagong video tungkol sa addiction

na tumatalakay sa kemikal at sikolohikal na mga sanhi.

Pagtutunan namin ito ng oras, kaya aming hinihiling ang inyong pasensya.

Hindi na napapanahon ang “Refugee” video, kaya naman ay hindi na namin gagawan ito ng panibago.

Babalikan din namin ang aming mga nakaraang video para dagdagan ng sources,

higit pang mga sanggunian, at mga komento sa mga susunod na buwan.

Sa panahon ngayon, imbis na magtiwala sa mga sikat na institusyon,

kadalasan ay sa mga creator sa Internet ang ating pinagkukunan ng katiwa-tiwalang impormasyon.

Umaasa tayo na sila ay maingat at mahigpit

at hindi hinihimok ng pera o gantimpala.

Inaasahan natin na sila ay bukas tumatanggap ng pagkakamali, at sinusubok na bawasan ang mga ito.

Kaya naman, ito ang aming gagawin:

Ang pagtitiwala ay hindi basta nakukuha na panghabambuhay.

Ito ay dapat na patuloy na pinagtatrabahuan.

Mapagkatitiwalaan mo ba ang Kurzgesagt?

Makaaasa ka na ang bawat video na gagawin namin ay lubos na isanaliksik at sinang-ayunan ng mga eksperto.

Mapagkatitiwalaan mo na alam naming kami ay maroon ding kinikilingan, at sinusubukan naming malampasan ang mga ito.

Hangad namin na higit pang maging mapagkatitiwalaan ang Kurzgesagt.

Masyadong masikot ang mundo para sa mga simpleng sagot, at hindi namin gustong nagbibigay ng mga ito.

Ang paglikha ng mga video sa nakaraang anim na tao ay naging isang paglalakbay para sa amin, at kami’y lubos na nagpapasalamat.

Sana ay kasama pa rin namin kayo sa mga susunod pang mga taon.

Samahan niyo kami sa isang paglalakbay sa pagtukoy kung tungkol nga ba talaga saan ang sansinukob at ang buhay.

Salamat sa panonood.