Video
Transkripsyong
Mula disyerto, hanggang sa mga isla at pinakamataas na bundok.
kahit saan man na may espasyo na malulugaran, niluluguran ito ng mga tao.
‘di na nakakagulat na pinaghahandaan natin
ang pagyapak sa Marte
at para maumpisahan ang unang permanenteng kolonya sa labas ng Mundo
o i-terraform ang ibang planeta at gawing ikalawang asul na tirahan.
pero, hintay
bago tayo pumunta sa mga magandang bagay ng hinaharap
una muna nating tapusin ang ikalawang yugto ng kolonisasyon
pagtayo ng semi-permanent outpost
para paghandaan ang mas malaking dagsa ng tao
pero ito’y napakahirap
kahit na pa sa mga mapanakop na species katulad natin, ang Marte ay sukdulang mahirap
sa unang tingin, mukhang pamilyar ang Marte
Nagyeyelong poles, malalaking lambak,
tubig sa ilalaim ng lupa
at araw na halos kasinghaba ng sa Mundo
Ang lugar na dapat nating puntahan
sa kasamaang palad, ang Marte ay malamig at radioactive na disyerto
ang lupa ay nakakalason at imposibleng huminga
ang Marte ay ‘di kaaya-aya
halos ‘di mo gugustihing pumunto doon
ang mga mangunguna ng mahirap ng gawain sa Marte ay dadanas ng matinding stress
puno ng mapaghamong mga problema
na ‘di pa nakakaharap noon
ngunit, maraming tao ang nais gawin ito
at mayroon tayo ng mga teknolohiya para magawa nila ito
sa bidyong ito, ipalagay nating mayroon ng naunang mga misyon sa Marte
para maghanap ng magandang lugar para sa outpost
magimbak ng resources at kagamitan
at mayroon ng base sa Buwan
na magsisilbing sentro ng mga misyon sa Marte
unang malaking hamon sa ating outpost
ay lugmok sa enerhiya ang Marte
dahil sa distansya nito sa Araw
Ang solar power ay may 40% lamang na bisa kaysa sa Mundo
at ang mahinang liwanag ay natatago pa ng ilang araw
dahil sa mga bagyo ng alikabok
hindi sapat ang enerhiyang Araw
mga alternatibo, katulad ng hangin, geothermal ay hindi feasible
dahil halos walang atmospera sa Marte at ang kalooban nito ay masyadong malamig
sa simula, teknolohiyang nukleyar ang natatanging opsyon
at dahil ‘di accessible ang radioactive elements,
manggagaling sa Mundo ang mga nuclear fuel kasama na ang mga reactor
kung ito’y maitatayo, masusuplayan natin ang outpost na ilang taon
sa kasamaang palad, bali wala ang mga enerhiya kung ‘di tayo nakakahinga
ang siksik ng atmospera ng Marte ay 1% lamang ng sa Mundo
at halos kabuoan nito ay CO2
ngayon kailangang i-pressurized at bigyan ng artipisyal na atmospera ang mga tirahan
ng nitrogen at oxygen
na nagdadala ng mas maraming problema
sulok at patag na pader ay mahihinang lugar
kaya’t ang mga tirahan ay nararapat na bilugan at makinis ang hugis
upang kayanin ang stress ng magkakaibang pressure ng labas at loob
Ang mga airlocks ay dapat na airtight at laging gumagana
sa kawalan ng malawak na magnetosphere, o makapal na atmospera
kalahati ng radiation mula kalawakan ay nakakarating sa lupa
ang indibidwal sa lupa ay sumasailalim sa 50 beses na radiation kaysa rito sa Mundo
tatlong taon sa kalupaan ng Marte ay lalampas sa radiation dose limits
na ipinataw sa mga NASA astronauts sa kanilang kabuoang karera
lubhang itinataas nito ang panganib ng kanser
upang ito’y maiwasan, maaaring protektahan ang mga tirahan ng makapal na patong ng nagyeyelong CO2
na naaani mula sa atmospera
sa pagpatong ng metro ng lupa sa dry ice, ay higit na patataasin ang antas ng proteksyon
ngunit wala itong bintana
mula sa loob, karamihan ng espasyong tirahan ay kuwebang walang bintana
sa labas, mukha itong libingan
‘di nito mapipigilan ang lahat ng radiation
ngunit mababawasan ito para maging ligtas sa mahabang panahon
‘di nito mapoprotektahan ang kung sino mang lalabas
kaya’t remote-controlled robots ang gagamitin para kumilos sa ibabaw
habang ang ating crew ay mananatili sa loob
magandang ideya ang pananatili sa loob sa karagdagang rason:
alikabok ng Marte
mas pino pa sa alikabok sa Mundo
papasok ito sa mga enggranahe o elektroniko ng mga makina
at dahil ito’y tuyo, ito’y electro-statically charged;
didikit ito kahit saan, katulad ng spacesuits
imposibleng maiwasang magdala ng alikabok sa mga tirahan
at sa mga baga ng ating crew
para palalain pa, ang lupa ng Marte ay puno ng nakalalasong perchlorate salts.
palagiang eksposyur ay nakamamatay
ang problemang ito’y mapagtatagumpayan
halimbawa ng space suits na hindi ipapasok sa base
ngunit iiwan sa labas ng tirahan
okay, magaling
ngayon ay ligtas na ang mga isolated na tao sa larangan ng enerhiya at hangin
at protektado na sa kanser, kailangan na lamang na pakainin sila
madali lang kumuha ng tubig kung ang pamayanan ay malapit sa Martian poles
sa kanilang makapal na layer ng yelo
pagpapalaki ng pagkain ay ibang klase naman ng pagsubok
alkaline ang lupa ng Marte
at walang nitrogen compounds na kailangan ng mga halaman
bago tayo magpalaki ng kahit ano, kailangan munang linisin ang lupa
at ito’y mahirap at mahal
pagkatapos, ang lupa ay patatabain gamit ang ni-recycle na duming biolohikal
lahat ng ito ay aabutin ng mahabang panahon, at gagamit ng maraming enerhiya
kaya’t, gagamit tayo ng aquaponics upang magpalaki ng isda at halaman ng magkasama
magbibigay ito ng iba’t-iba at malasang mga pagkain sa mga astronaut
mahalagang psychological boost ito sa mga pagod na crew
lahat ng ito’y ‘di reresolba ng isang pundamental na problema
ang Marte ay may 38% lamang ng gravity ng Mundo
ito’y magdudulot ng paghina ng kalamnan, pagkaubos ng buto, at problema sa cardiovascular
ito’y mareresolba sa hinaharap ng umiikot na tirahan
sa ngayon, ang ating crew ay maninirahan sa mababang gravity
at kakailanganin nila ang maraming ehersisyo
ang mga crew ay dapat na umikot kada ilang taon
pagkatapos na maiwan sa loob ng masikip na espasyo at walang bintana
sa magkakaparehang tao, ginagawa ang pare-parehas na gawain araw-araw
ng halos walang kontak sa labas na mundo
at marami ang inaalala
katulad ng mga scientist sa Antarktika o trabahador sa submarino
sasailalim sila sa matinding psychological screening
upang masiguro na matibay ang kanilang pagiisip upang kayanin ang matinding lifestyle ng ilang taon
ang pagtatatag ng totoong inprastraktura sa Marte ay matinding trabaho
na nangangailangan ng determinado at may kakayahang grupo ng tao
masuwerteng marami tayo nito sa Mundo
at iyan na!
isang maliit na base sa Marte na mabubuhay ng ilang dekada
hangga’t masusuplayan ito ng resources
mga parte, panggatong nukleyar, at mga tao mula sa Mundo
sa kasawiang palad, ang Marte at Mundo ay magkahiwalay ng milya-milyang kilometro
at ang orbital periods ay may travel window lamang ng kada ikalawang taon
at kung may emergency sa kolonya
‘di makakatulong ang Mundo hanggat ‘di nagbubukas ang travel window
ang mga tutulong ay maaaring dumating sa planetang puno ng bangkay
pagtira sa Marte ay ang pinakamahirap na pagsubok na ating hinarap
katakot-takot ang magtayo ng inprastraktura
ngunit, matigas ang ating ulo, at nais natin ang matitinding pagsubok
kung ating ipagpapatuloy ang Phase Two ng kolonisasyon, lahat ay posible
mga lungsod na lumiliwanag sa madilim na gabing Marte
pusod ng paglalakbay sa pagitan ng mga planeta
mga industriya na yayapak sa orbit
pagte-terraform ng totoong multi-planetary na hinaharap
pagpunta sa Marte ay mahirap ngunit walang katumbas
at kung tayo’y susuwertihin, maaaring makita natin itong nangyayari
at aluin ang mga tao na haharap sa mga hamong ito
para sa ikabubuti nating lahat
madulas na segway
madulas na segway
madulas na segway
ng sponsor
hirap mag translate!
-Karl Dominic (DUCK)