Ano ka? | Kurzgesagt

🎁Amazon Prime 📖Kindle Unlimited 🎧Audible Plus 🎵Amazon Music Unlimited 🌿iHerb 💰Binance

Video

Transkripsyong

Ikaw ba ang iyong katawan?

Maaari, di ba?

Pero, meron bang limitasyon itong argumento para masabi natin na di ito totoo?

Gaano karami ang tatanggalin sayong sarili para masabing hindi ka ikaw,

at itong tanong ba ay may sense?

Ang iyong pananatiling pisikal ay mga cell, trilyon nito,

mas marami ng 10 beses kaysa sa mga bituin sa Milky Way.

Ang cell ay buhay, isang makinang gawa sa 50 libong iba’t ibang protina.

Ito’y walang sariling pag-iisip, walang sariling desisyon, walang layunin; ito lang ito,

pero nanatili itong isang indibidwal.

Kung pagsama-samahin, ang iyong mga cell ay makakabuo ng malaking kayarian para sa trabahong paghahanda ng pagkain,

paghahanap ng pinagkukunan, paghahatid ng bagay sa palibot,

pagsusuri sa paligid-ligid, at iba pa.

Kung ang naextract na cells sa iyong katawan at ilagay ito tamang lugar,

ito’y panandalian mabubuhay.

kaya’t ang ‘yong cells maaring mabuhay ng wala ka, ngunit ikaw di ka mabubuhay ng wala sila.

Kung tatanggalin natin ang lahat ‘yong cells sayo, ikaw ay wala na.

Meron kayang hangganan ang tumbok ng ‘yong cells para matawag na ikaw ay di na ikaw?

Halimbawa, kung magdodonate ka ng isang organ, bilyon ng cells ay patuloy

na mabubuhay sa loob ng ibang tao.

Ito’y nangangahulugan na ang ‘yong bahagi ay bahagi na ng isang tao,

o ito bang katawan ay nagpapanatili ng bahagi mo para mabuhay?

O, ipagpalagay natin ang isang eksperimento:

pagpalitin ang cells mo at ng isang random na tao.

Bawat cells mo ay mapapalitan ng cells ng iba;

at ang cells ng katawan ng isang random na tao ay mapapalitan ng cells mo.

Sa puntong bang iyon, ang random na tao ay magiging ikaw?

O ito ba’y napakabagal at kadiring paraan para iteleport ka?

Gawin nating mas komplikado!

Ang ating sarili ay di protektado.

Halos lahat ng cells mo ay namamatay sa panahong ikaw ay nabubuhay.

250 milyon ang namatay na sa simula pa lang nitong video,

sa pagitan ng isa at tatlo milyon kada segundo.

Sa pitong taon, karamihan ng ‘yong cells ay mapapalitan ng kahit isang beses.

Bawat oras ang iyong cells napapalitan, ikaw ay bahagyang iba kaysa dati,

kaya’t bahagi mo ay patuloy na namamatay.

Kung swertehin kang tumanda,

nakapagpalit ka ng mga milyong, bilyong cells,

kaya ang maituturing mong ikaw ay isa lang retrato (snaphots),

pero minsan, ang cells ay nasisira at ayaw mamatay

tutol sa uri ng pagkakaisa ng ating katawan.

Tinatawag natin itong cancer. Binabawi nila ang biyolohikal na kasunduan

at nagiging immortal.

Cancer ay hindi umaatake galing labas;

ito’y iyong bahagi ng mas mahalaga ang kanilang kaligtasan kaysa sa iyo,

ngunit maari mo ring masabi na ang cancer cell ay isang panibagong bagay sa loob natin;

na gusto lamang mabuhay.

Masisi ba natin ito?

Isang nakakalungkot na kwento ni Henrietta Lacks,

isang batang cancer patient na namatay noong 1951.

Kadalasan ang cells ay tanging nabubuhay ng ilang araw lamang sa laboratoryo,

na nagpapahirap sa pananaliksik.

Ang cancer cells ni Henrietta ay di namamatay.

Sa dekada ito’y dumami ng pauli ulit.

at nagamit na sa di mabilang na research projects para sagipin sa di mabilang na mga buhay.

Buhay pa rin ang cells ni Henrietta at sa kabuuan itoy lumaki ng

mga 20 tonelada ng biomass,

kaya’t meron paring buhay na bahagi ng isang tao, sa buong mundo, na

kahit dekada ng patay.

Gaano karami ang cells ni Henrietta sa mga cells nito?

Ano ang nagagawa ng isa sa mga cells mo na maging ikaw?

Maaaring ang impormasyon na nakapaloob sa ‘yong DNA?

Kamakailan lang, pinaniniwalaan na lahat ng cells sa iyong katawan

ay may pare-parehong genetic code,

iyon pala itoy mali.

Iyong genome ay nagpapalit-palit, at sa pagdaan ng panahon ito’y nagbabago

sa pamamagitan ng mutations at mga impluwensya ng kalikasan.

Ito’y natatanging kaso ng iyong utak.

Ayon sa bagong natuklasan, sa iisang neuron ng utak ng isang may sapat na gulang ay may higit sa

isang libong mga mutation sa genetic code nito na wala ang

cells na nakapalibot, kayat gaanong “ikaw” ang iyong DNA?

Mga 8% ng human genome ay gawa sa mga virus na minsang

humawa sa ating mga ninuno at lumitaw sa atin.

Ang Mitochondria, power plant ng cell, ay pinagsama-samang bacteria

ng mga ninuno ng ‘yong cells. Sila ay may sariling DNA.

Ang pang-karaniwang cell ay may daan daan nito, daan daang mga maliit na

di tao, pero kahit pano ay parang.

Ito’y nakakalito. Ulitin natin.

Alam natin na ikaw ay gawa sa trilyong maliliit na bagay,

gawa sa mas maliit na bagay at nananatiling nagbabago.

Sa kabuuan, ang lahat na mga ito ay nagbabago.

Ang kayarian at kondisyon ng mga ito ay nananatiling nagbabago,

kayat maaring tayo ay isang disenyong kusang umaalalay sa sarili na walang malinaw na mga hangganan,

ang pagkakaroon ng sariling kamalayan na ngayon ay may kakayahang

mag-isip para sa sarili sa pagdaan ng panahon at henerasyon,

na nananatili sa mismong sandali ito.

Saan nagsimula itong disenyo:

mula sa pagsilang, nung ang unang tao ay umusbong,

nung ang unang buhay ay nagsimulang manakop ng maliliit na mundo,

o nung ang mga elementong bumubuo sayong katawan ay nagmula sa bituin?

Ang ating utak ay nagbago ng lubos.

Ang malabong hangganan na bumubuo sa realidad ay mahirap maintindihan.

Maaaring ang mga ideya gaya ng simula at katapusan, buhay at kamatayan, ikaw at ako,

ay walang katiyakan, kundi kabilang sa mas malawak na disenyo;

disenyong nawala sa di kilala at magandang kalawakan.

Ang problemang sino tayo ay hindi lamang

tanong natin sa ating sarili, kundi tanong din ng ating pag iisip.

Tulad ng ating cells na maaaring nahahati at nahihiwalay sa atin, ang ating utak ay

maaari ring mahati at mahiwalay sa atin kahit meron ito sa bungo.

Iclick dito para pumunta sa aking channel at panoorin ang susunod na kabanata.

Okay, sa ngayon, panoorin mo ang mga video ni CJP Grey.

If hindi ka pa naka subscribe sa channel niya,

gawin mo na.