Hanggang saan tayo pwede pumunta? Mga limitasyon ng tao (Lumang Bersyon - Panoorin ang Bago). | Kurzgesagt

🎁Amazon Prime 📖Kindle Unlimited 🎧Audible Plus 🎵Amazon Music Unlimited 🌿iHerb 💰Binance

Video

Transkripsyong

May tangwa ba na di natin kayang lakbayin?

May lugar ba na di natin maabot, kahit anong subok natin?

Kinalabasan, ay meron.

Kahit sayens piksyon na teknolohiya, nakakulong pa rin tayo sa bulsa ng sandaigdigan.

Paano kaya ‘yan? At, hanggang saan tayo hahantong?

Nakatira tayo sa sulok ng Milky Way; Isang paikid na karaniwang kalawakan.

  • mahigit 100,000 taong liwanag sa tapat-

binubuo ng bilyon na bituin, gas cloud, dark matter, black holes, neutron stars,

at planeta, na may supermassive black hole sa kalagitnaan.

Ang kalawakan natin tignan sa malayo ay siksikan, pero sa katotohanan, ito ay binubuo ng halos, wala.

Sa kasalukuyan, ang pagpapadala ng tao sa pinakamalapit na bituin, ay aabot ng libong taon.

Kaya napakalaki ng ating kalawakan.

Bagama’t, hindi nagiisa ang Milky Way.

Kasama ng Andromeda galaxy, at marami pa’ng limampu’t bulilit na kalawakan,

Kasama ito sa “The Local Group”;

sa rehiyong mahigit 10 milyong taong liwanag na dyametro,

Napabilang ’to sa daang milyong galaxy groups sa “Laniakea Supercluster”,

kung saan, isa lang ito sa milyon na superclusters,

na nagbubuo sa observable universe.

Ngayon, ipapalagay natin saglit, tayo ay may maluwalhati na hinaharap.

Ang sangkatauhan ay matagumpay na naging type three civilization,

hindi nasawi ng mga aliens,

at nakabuo ng interstellar travel batay sa ating kasalukuyan na pag-unawa ng pisika.

Sa napakagaling na sitwasyon na ’to, hanggang anong layo tayo makakapunta?

Samakatuwid; ang local group.

Ito ang napakalwak na bahagi na mabibilangan ng sangkatauhan.

Samantalang napakalaki, ang local group ay napabilang lang sa 0.00000000001 % ng

buong observable universe.

Hayaan natin ito sandali sumipsip sa utak.

Limitado tayo sa isang daang bilyong pursyento ng naturang observable universe.

na pursyento ng observable universe.

Ang simpleng katunayan na talagang may hadlang sa atin, at may

napakalawak na sandaigdig na hindi natin sapitin, ay medyo nakakagimbala.

Ba’t di tayo makalayo?

Sa makatuwid, it ay may kinalaman sa likas na pagkawala.

Ang pagkawala, o ang pagkawalang laman, ay di hungkag, kundi may pansariling enerhiya;

kung tawagi’y “quantum fluctuations”.

Sa maliit na antas, patuloy na may kilos, laban sa particles at antiparticles

na lumilitaw at pumupuksa sa kanila mismo.

Gunigunihin mo itong quantum vacuum na bumulubok na parte:

na may siksikan, at hindi na mga rehiyon.

Ngayon, noong 13.8 bilyong taon kung saan ang kayo ng puwang

ay binubuo ng wala.

Pagkatapos ng big bang, sa pagganap na kilala bilang cosmic inflation, ang observable universe

ay lumobo mula kasing sukat ng holen hanggang trilyones ng kilometro, sa loob ng hating-bilang.

Ang biglaang hatak ng sandaigdig ay napakabilis at sukdulan,

ang lahat ng quantum fluctuations ang nahatak rin,

at subatomic na lawak ay naging galactic na distansya,

na may masinsin at malamlam na panig.

Pagkatapos ng inflation, ang grabidad ay humatak pabalik sa lahat.

Sa malawakang kaliskis, ang hilab ay sadyang napakatulin at malakas

para higitan pero sa maliit na antas, ang grabidad ay nagwagi.

Kaya, lampas oras, ang makapal na bahagi o bulsa, ng sangkalawakan,

ay lumaki bilang lipon ng kalawakan, katulad mismo ng tinitirhan natin ngayon.

Sangkap lang sa atin - The Local Group- ang saklaw lang sa natin

Pero teka, ano ngayon ang problema?

Bakit hindi tayo makalakbay mula sa atin, patungo sa kabila?

Dito, nakaabla ang dark energy.

Mahigit anim na bilyong taon noon, naghari ang dark energy.

Talagang may salikmata na puwersa o lahid, na sumanhi,

at nagpapabilis ng pag-alsa ng sanlibutan.

Di natin alam kung bakit, o ano ang dark energy, pero kita natin ang epekto nito.

sa naunang sanlibutan, may mas malaki, malamig na bahagi palibot ng local group,

na lumaki sa paigiging cluster na may libo-libong kalawakan.

Napalibutan tayo ng maraming bagay, pero wala sa ganun

labas sa ating local group ang nakabigkis sa ating grabidad.

Kaya mas kung mabilis lumawak, mas malaki ang agwat

tayo at ang ibang kumpol ng grabidad.

Higit na oras, tutulak sa natitirang sandaigdig palayo sa atin ang dark energy,

na magdudulot sa ibang kumpol, kalwakan, at grupo na hindi maabot kailanman.

Ang sunod na galaxy group ay milyong daang taong liwanag palayo,

pero lahat sa kanila ay pumapalayo sa atin, sa bilis na di nakatalagang malampasan.

Puede tayo lumayo sa ating local group, at lumipad sa loob ng intergalactic space,

patungo sa kasuloksulokan, pero di tayo makakarating saan man.

Habang tayo ay mas pauntol-untol, ang local group ay mas magiging mabuklod,

at magsasamasama para maging isang higanteng patmbilog na kalawakan na may di orihinal na pangalan “Milkdromeda”

sa loob ng isang bilyong taon.

Pero mas naging mapaghirap:

sa ilang punto, ang kalawakan sa labas ng local group, ay magiging napakalayo

na malabo na ito tiktkan, at ang ilang photons na makakarating sa atin,

ay maturnuhan ng mahabang wavelengths, na hindi na ito matutop.

Simula na mangyari ito, wala ng impormasyon sa labas ng local group ang makakarating.

Ang sangkalawakan ang uurong sa ating paningin.

Lilitaw na madilim at basyo sa lahat ng direksyon, kailanman.

Ang salinlahi sa hinaharap sa Milkdromeda,

ay magiisip na wala ng ibang kalawkan sa buong sangdaigdig.

Kung tumingin sila sa bakanteng puwang, mas lalo sila makakakita ng langkag at dilim.

di nila makikita ang cosmic background radiation,

at di nila masisiyasat ang lahat tungkol sa Big Bang.

Wala silang kaalam alam kung ano ang nalalaman natin ngayon;

ang uri ng lumalawak na sangkalawakan, kung saan nagsimula lahat at matatapos.

Sa tingin nila na ito ay statik at walang katapusan.

Ang Milkdromeda ay magiging isla sa karimlan, unti-unting nagiging madilim.

Ngunit, sa trilyones ng mga bulalakaw, ang local group ay tiyak

na sapat para sa sangkatauhan.

Gayon pa man, di pa rin natin natututunan lumayo sa ating solar system,

at may bilyon na taon tayong na lalabi para lakbayin ang ating kalwakan.

May magandang kapalaran tayo na mabuhay sa saktong panahon para makita,

hindi lang ang ating hinaharap pero ang ating pinakamalayong nakaraan.

Kasing ilang at bahagya ng local group, kaya natin ramdaman ang buong sangkalawakan,

maringal at nakagigilalas sa ngayon.

Sumunod kayo sa kanyang astronomy blog dito.

Makakatulong kayo ng direkta sa Patreon o kumuha ng Kurzgesagt items dito.

Nakakatulong talaga ito.

Napakasaya na pinanood ninyo ito hanggang dito, kaya gumawa kami ng playlist para sa inyo tungkol sa universe.