Ang Itlog - Isang Maikling Kwento | Kurzgesagt

🎁Amazon Prime 📖Kindle Unlimited 🎧Audible Plus 🎵Amazon Music Unlimited 🌿iHerb 💰Binance

Video

Transkripsyong

Pauwi ka na nang mamatay ka.

Naaksidente ka sa sasakyan.

Wala namang kinaibahan,

…gayumpaman, nakakasawi. Iyo’y walang sakit na kamatayan.

Sinubukang gawin ng mga mediko ang lahat ng kanilang makakaya upang mailigtas ka

ngunit huli na ang lahat.

Ang katawan mo’y sobrang nagkalasog-lasog.

…maniwala ka sa’kin, ayos ka lang.

At iyon yung kailan nakita mo ako.

“Anong nangyari?”

“Nasaan ako?”

“Namatay ka,” sinabi ko ng walang paligoy-ligoy.

Walang saysay sa paggamit ng iba pang salita.

“May… may isang trak.”

“…at iyo’y dumudulas.”

“Oo.”

“Ako… namatay ako?”

“Oo.”

“Ngunit huwag ka nang malungkot.”

“Lahat naman ay namamatay.”

Tumingin ka sa paligid.

Ang kawalan, ikaw,

at ako ay nandirito lang.

“Ano ang lugar na ito?”

“Ito ba ang kabilang-buhay?”

“Parang gayon na nga.”

“Ikaw ba ang Panginoon?”

“Oo. Ako ang Panginoon.”

“Ang mga anak ko… ang asawa ko,”

“Paano na sila?”

“Magiging ayos lang ba sila?”

“‘Yan ang gusto kong makita,” sinabi ko.

“Kamamatay mo lang at ang una mong inaalala ay ang iyong pamilya.”

“Yaan ay isang mabuting bagay.”

Tiningnan mo ako nang may pagka-mangha.

Sa iyo, hindi ako mukhang Diyos.

Mukha lang akong isang lalaki o ‘di kaya’y babae.

Isang hindi-tiyak na awtoridad, siguro.

“H’wag kang mag-alala” sabi ko, “magiging ayos din sila.”

“Maaalala ka ng mga anak mo bilang isang magaling na ama sa lahat ng paraan.

Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong

maging pasaway sa’yo.

Ang asawa mo’y iiyak,

…ngunit palihim na nakakaraos.

Pagkatapos ng lahat, ang inyong pagiging mag-asawa ay matatapos rin.

Kung pagbibigyan ng pagkakataon,

…iniisip niyang may sala siya sapagkat naramdaman niyang maayos na s’ya.”

“Tapos… ano na’ng mangyayari ngayon?

Mapupunta ba ako sa langit?”

o sa impiyerno o ano man?"

“Wala roon. Mabubuhay kang muli.”

“Ah,”

“…kung gayon, tama ang mga Hindu.”

“Ang lahat ng relihiyon ay tama sa kani-kaniyang paraan.

Maglakad tayo.”

Sumunod ka habang tayo’y naglakad sa kawalan.

“Saan tayo pupunta?”

“Wala naman… maganda lang na naglalakad tayo

habang nag-uusap.”

“Anong silbi, kung gayon?

Kapag ipinanganak akong muli, ako ay magiging isang

…parang blankong pisara? Tama?

Isang sanggol.

Kung gayon, lahat ng aking karanasan -

lahat ng ginawa ko sa buhay na ito - ay mawawalan ng saysay?”

“Hindi naman.

Nasa kalooban mo lahat ng kaalaman

at karanasan ng lahat ng dati mong mga buhay.

Hindi mo lang sila naaalala ngayon.”

Tumigil akong maglakad

at hinawakan kita sa iyong balikat.

“Ang iyong kaluluwa ay mas kahanga-hanga,

maganda at napakalaki kaysa sa kaya mong isipin.

Ang isip ng tao ay maaari lamang maglaman ng isang maliit na maliit

na bahagi ng kung ano ka.

Ito ay parang sinasawsaw mo ang daliri mo sa baso ng tubig

upang malaman kung ito’y mainit o malamig.

Inilagay mo ang maliit na bahagi ng sarili mo sa lalagyan at

kapag inilabas mo na uli ‘yun,

…mapapasa’yo lahat ng karanasan na naranasan niya.

Naging isa kang tao sa nakaraang apat napu’t walong taon

…kaya hindi ka pa nakakalayo

upang maramdaman ang iyong napakalawak na kamalayan.

Kung tayo ay tumambay dito sa matagal na panahon,

masisimulan mong maalala ang lahat.

Ngunit walang saysay ang paggawa niyan sa kalagitnaan ng bawat buhay.”

“Ilang beses na akong nabuhay muli, kung gayon?”

“O… marami, napakarami.

…at sa napakaraming iba’t-ibang buhay.

Sa pagkakataong ito, ikaw ay magiging isang babaeng Intsik na magsasaka

sa taong 540 A.D.”

“Sandali… Ano? Ipapadala mo ako

sa nakaraan?”

“Parang ganon na nga.

Ang oras tulad ng pagkaka-alam mo nito ay

umiiral lamang sa iyong sanlibutan. Iba ang mga bagay-bagay kung sa’n ako nagmula.”

“Saan… sa’n ka nagmula?”

“Panigurado, ako ay nagmula kung saan-saan,

sa ibang lugar. At may mga ibang kagaya ko.

Alam kong gugustuhin mong malaman ang mga kaganapan do’n,

…ngunit sa totoo lang, hindi mo maiintindihan.”

“O…” sinabi mong may kaunting pagkadismaya.

“Ngunit… sandali. Kung mabubuhay akong muli

sa ibang lugar sa ibang panahon,

…maaaring nakasalamuha ko ang aking sarili sa isang pagkakataon.”

“Tama, palagi itong nangyayari.

At dahil ang parehong buhay ay may kamalayan lamang sa kani-kaniyang katagalan,

…hindi mo napapansing nangyayari ito.”

“Kung gayon, para saan ang lahat ng ‘yon?”

Tiningnan kita sa mata.

“Ang ibig-sabihin ng buhay, ang dahilan kung bakit ko nilikha ang sanlibutan na ito

ay upang ikaw ay matuto.

“Ibig mong sabihin ang sangkatauhan,

nais mo kaming matuto?”

“Hindi, ikaw lang. Ginawa ko ang buong kalawakan

para sa iyo. Sa bawat bagong buhay na

lumalaki ka at tumatanda at nagiging isang mas malaki

at mas may malawak na kaalaman.”

“Ako lang?

Paano na ang iba?”

“Wala ng iba pa. Sa sanlibutan na ito,

ikaw lang at ako ang narito.”

Tinitigan mo ako nang nakatunganga.

“Ngunit ang lahat ng tao sa daigdig?”

“Lahat ay ikaw. Iba’t-ibang

pagka-katawang tao mo.”

“Sandali… ako’y bawat tao?”

“Ngayon nakukuha mo na.”

“Ako ay ang lahat ng taong nabuhay.”

“O lahat ng mabubuhay,”

oo.”

“Ako si Abraham Lincoln?”

“At ikaw din si John Wilkes Booth.”

“At ako si Hitler?” Sinabi mong nanlulumo.

“At ikaw ang milyon-milyong niyang pinatay.”

“Ako si Hesus?”

“At ikaw ang lahat na sumunod sa kanya.”

Natahimik ka.

“Sa lahat ng pagkakataong nambubulas ka,

…binibiktima mo ang sarili mo.”

Lahat ng kawang-gawang nagawa mo

…ay nagawa mo sa sarili mo.

Lahat ng masasaya at malungkot na pagkakataong naranasan

ng kahit na sinong tao ay

naranasan o mararanasan mo."

Nagmuni-muni ka nang matagal.

“Bakit? Bakit ginawa mo’ng lahat ng ’to?”

“Dahil pagdating ng panahon, ikaw ay magiging katulad ko.

Dahil ikaw ‘yan mismo.

Ikaw ay kaparehas ko. Ikaw ang anak ko!”

“Wow!”, sinabi mong ‘di makapaniwala.

“Ibig mong sabihin, ako’y isang bathala!?”

“Hindi, hindi pa. Isa ka pang papalaking sanggol.

Kapag naisabuhay mo na ang lahat ng bawat buhay ng isang tao

sa lahat ng panahon,

…lalaki ka nang sapat para maipanganak.”

“Kung gayon ang buong sanlibutan,

ito’y isa lamang…”

“Isang itlog!”,

sagot ko.

“Ngayon… panahon mo na upang magpatuloy ka sa iyong susunod na buhay.”

At inihatid kita sa iyong patutunguhan.

Ang Itlog Likha ni Andy Weir Guhit ni Kurzgesagt

Suportahan kami: [Mga Litrato]